Monday, September 3, 2012

TRUTH HURTS (AND HEALS)

Halos isang buwan mula ngayon ng nadiscover ko ang isa sa pinakamasasabi kong isa sa "the buzz, big reveal ng buhay ko". Nalaman ko lang naman na yung taong minahal ko sa halos 6 na taon e iba pala sa totoong buhay. meaning isang "poser".siguro kung may nobel peace prize award lang sa pagiging "uto uto" ako na siguro ang makakatanggap ng lifetime achievement award.Sobrang sakit noong una, ang dami kong naramdaman at halos naghalo halo na parang chopsuey ang isip ko,ang ending para akong isang lantang gulay galing baguio na hindi naibenta ng ilang araw.Bukod sa pagkadismaya at sakit isipin na naniwala ako ng ganun katagal sa mga bagay na sinabi nya kung sino at ano siya, sa lahat ng pagdamay ko sakanya, sa lahat ng mga panahon na sinamahan ko siya, sa mga oras na umiyak ako (minsan) para sakanya,hindi pala sapat na dahilan ang haba at tagal ng pinagsamahan para maging tapat ang isang tao sayo.Bukod sa mga naramdaman ko, simula ng nalaman ko ang totoo, napakaraming bagay ang  nagsimulang umikot sa utak ko,maraming "bakit" na hindi ko alam kung darating pa yung panahon na malalaman ko ang sagot sa mga tanong ko, pero naisip ko, hindi ko din ba dapat tanungin ang sarili ko kung bakit nangyari sakin to?Una, kung isang malaking kasalanan ang pagtitiwala agad ng buong buo sa isang tao, guilty ako sa parte na yan.Wala kase sa bukabularyo ko ang salitang "duda", tinatanggap ko lang kung ano ang ifefeed mo sa akin at yun ang paniniwalaan ko.Dahil ganun din naman kase ako katransparent na tao.Pangalawa, masyado akong nanalig sa taglay kong "kakaibang ganda" naniwala ako na may ganung kagwapo at katalinong lalake ang nakaappreciate sa akin at nakita kung ano ang potensyal ko bilang isang lover.Pangatlo at ang pinakakabog na dahilan syempre sa lahat e yung totoong nagmahal lang ako sa paraan na alam ko at kaya ko. Pero kagaya din ng iba,ang pagmamahal ang isa sa mga bagay na walang kasiguraduhan at hindi natin kontrolado ang pwedeng kahinatnan.Nararamdaman natin pero hindi natin pwede manduhan o diktahan.sa ayaw at sa gusto natin susunod at susunod lang tayo sa agos kung saan man niya tayo dadalhin.Hindi assurance na "laslas pulso" ka lang magmahal, sa nangyari sa akin, natutunan ko na mas impotante ang pagiging honest muna sa lahat ng bagay para doon magkakaalaman kung kaya ka talaga tanggapin at mahalin kung ano ka pa man. Hindi sapat na dahilan ang simpleng "mahal" ka at napapasaya ka niya dahil naniniwala na talaga ako sa kasabihang "love that isn't strongly rooted in reality only becomes poisonous".Pero nagpapasalamat padin ako sa taong naglaan sa akin ng oras, atensyon, pagpapahalaga at pagmamahal .Niloko man niya ako sa napakaraming bagay kasama na ang pagkatao niya.Kahit kailan hindi na na mawawalala yung katotohanan na nagmahalan kame sa paraan na kame lang ang nakakaintindi at nakakaalam. Masasabi ko ngayon na "ok" na talaga ako salamat na lang sa mga inalay ko na itlog kay st clare, pati nadin ang company ng ilang malalapit ko na kaibigan na nandyan palage na nakikinig sa mga "paul-ul(paulitulit)ko na dramarama sa hapon".Alam ko hindi pa ako totally makakamove on hanggat hindi ko pa nalalaman lahat lahat ng katotohanan sa likod ng taong kinahibangan ko ng maraming taon. Pero, gaya din ng pagkatuklas ko sa truth, alam ko oras at pagkakataon na lang din ang hihintayin ko para totally maliwanagan na ako sa bitter sweet na chapter nato ng buhay ko.Ang mahalaga ngayon mas handa na akong bigyan ng ..the end..ang aking mara clara/lord of the rings/harry potter/twilight saga na love story ko:)


You cannot let go of anything if you cannot notice that you are holding it. Admit your 'weaknesses' and watch them morph into your greatest strengths.
Neale Donald Walsch

3 comments:

  1. ha ha kaya naman pala wala na akong update sa blog mo ay dahil nag-iba ka na ng blogsite eh ... buti na lang at nabisita ko si Ms. Melanie at nakita ko dun ang bagong site mo ... ini-add ko na ulit ito ...

    ReplyDelete
  2. emo lang ang peg ko kase teh edward:) thank you naman,sosyalan tayo minsan nla bb melanie at pagusapan natin ang lovelife mo dahil for sure marami kameng mapupulot from you:)

    ReplyDelete
  3. uyy thank you sa pagbati sa birthday ko ... sure ba , basta maluwag sched ko pwede ako ... PM nyo lang me sa blogsite ko ... thanks again ... or add nyo ako sa FB ko ... edgar portalan name ko ... thank you !!!

    ReplyDelete