Monday, September 3, 2012

TRUTH HURTS (AND HEALS)

Halos isang buwan mula ngayon ng nadiscover ko ang isa sa pinakamasasabi kong isa sa "the buzz, big reveal ng buhay ko". Nalaman ko lang naman na yung taong minahal ko sa halos 6 na taon e iba pala sa totoong buhay. meaning isang "poser".siguro kung may nobel peace prize award lang sa pagiging "uto uto" ako na siguro ang makakatanggap ng lifetime achievement award.Sobrang sakit noong una, ang dami kong naramdaman at halos naghalo halo na parang chopsuey ang isip ko,ang ending para akong isang lantang gulay galing baguio na hindi naibenta ng ilang araw.Bukod sa pagkadismaya at sakit isipin na naniwala ako ng ganun katagal sa mga bagay na sinabi nya kung sino at ano siya, sa lahat ng pagdamay ko sakanya, sa lahat ng mga panahon na sinamahan ko siya, sa mga oras na umiyak ako (minsan) para sakanya,hindi pala sapat na dahilan ang haba at tagal ng pinagsamahan para maging tapat ang isang tao sayo.Bukod sa mga naramdaman ko, simula ng nalaman ko ang totoo, napakaraming bagay ang  nagsimulang umikot sa utak ko,maraming "bakit" na hindi ko alam kung darating pa yung panahon na malalaman ko ang sagot sa mga tanong ko, pero naisip ko, hindi ko din ba dapat tanungin ang sarili ko kung bakit nangyari sakin to?Una, kung isang malaking kasalanan ang pagtitiwala agad ng buong buo sa isang tao, guilty ako sa parte na yan.Wala kase sa bukabularyo ko ang salitang "duda", tinatanggap ko lang kung ano ang ifefeed mo sa akin at yun ang paniniwalaan ko.Dahil ganun din naman kase ako katransparent na tao.Pangalawa, masyado akong nanalig sa taglay kong "kakaibang ganda" naniwala ako na may ganung kagwapo at katalinong lalake ang nakaappreciate sa akin at nakita kung ano ang potensyal ko bilang isang lover.Pangatlo at ang pinakakabog na dahilan syempre sa lahat e yung totoong nagmahal lang ako sa paraan na alam ko at kaya ko. Pero kagaya din ng iba,ang pagmamahal ang isa sa mga bagay na walang kasiguraduhan at hindi natin kontrolado ang pwedeng kahinatnan.Nararamdaman natin pero hindi natin pwede manduhan o diktahan.sa ayaw at sa gusto natin susunod at susunod lang tayo sa agos kung saan man niya tayo dadalhin.Hindi assurance na "laslas pulso" ka lang magmahal, sa nangyari sa akin, natutunan ko na mas impotante ang pagiging honest muna sa lahat ng bagay para doon magkakaalaman kung kaya ka talaga tanggapin at mahalin kung ano ka pa man. Hindi sapat na dahilan ang simpleng "mahal" ka at napapasaya ka niya dahil naniniwala na talaga ako sa kasabihang "love that isn't strongly rooted in reality only becomes poisonous".Pero nagpapasalamat padin ako sa taong naglaan sa akin ng oras, atensyon, pagpapahalaga at pagmamahal .Niloko man niya ako sa napakaraming bagay kasama na ang pagkatao niya.Kahit kailan hindi na na mawawalala yung katotohanan na nagmahalan kame sa paraan na kame lang ang nakakaintindi at nakakaalam. Masasabi ko ngayon na "ok" na talaga ako salamat na lang sa mga inalay ko na itlog kay st clare, pati nadin ang company ng ilang malalapit ko na kaibigan na nandyan palage na nakikinig sa mga "paul-ul(paulitulit)ko na dramarama sa hapon".Alam ko hindi pa ako totally makakamove on hanggat hindi ko pa nalalaman lahat lahat ng katotohanan sa likod ng taong kinahibangan ko ng maraming taon. Pero, gaya din ng pagkatuklas ko sa truth, alam ko oras at pagkakataon na lang din ang hihintayin ko para totally maliwanagan na ako sa bitter sweet na chapter nato ng buhay ko.Ang mahalaga ngayon mas handa na akong bigyan ng ..the end..ang aking mara clara/lord of the rings/harry potter/twilight saga na love story ko:)


You cannot let go of anything if you cannot notice that you are holding it. Admit your 'weaknesses' and watch them morph into your greatest strengths.
Neale Donald Walsch

Thursday, August 30, 2012

SECOND CHILDHOOD


Kahapon, pagkatapos ko maimbey sa arte ni mr. Fu sa artista academy updates nila ng tv 5, napawi naman agad ito at napalitan ng ngiti sa aking malaking labi dahil sa panonood ko after ng pambatang movie na charlotte's web, personally,  mas bet ko ang mga light at feel good movies na may moral story ala kwento ni manang bola sa dulo :) mas masarap para sakin manood ng mga pelikula na nakakagood vibes at the same time nagpaparealize sayo kung gano kaganda ang buhay, (bet na bet ko din ang Nanny Mcphee)  bukod sa visually enticing ang setting, na kadalasan sa mga countryside, plus mga cute characters at costumes, Etong mga ganitong klaseng pelikula ang nagbabalik sa pagiging bata ko, kung saan hindi pa mas komplikado at mas masaya  pa ang buhay, ibinabalik tanaw sakin ng mga movies na ito, ang mga moral values sa na habang tumatanda ako e unti unti ko ding nakalimutan.Para sakin  parang mga "modern parables" sila sa mas light nga lang ang atake.Sa iba corney na o baduy ang mga ganitong klaseng pelikula marahil sa mga personal na pinagdaanan nila at naging iba na ang perspektibo nila na ang buhay ay hindi isang fairytale o pambatang kwento na puno ng magic at happiness lang.Totoo naman yun, pero sana maging reminder lang plage sa atin na minsan naging bata din tayo,kung saan mas simple at maganda ang pagtingin natin sa mundo at sa kapwa.Sa plagay ko kung hindi natin kakalimutan ang pagiging "child within" sa ating mga sarili mas mahaharap natin ng mas positibo at mas magaan ang mga aberya na dumaraan sa ating buhay:)

Charlotte A. Cavatica: No, my webs were no miracle, Wilbur. I was only describing what I saw. The miracle is you. (charlotte's web)

Tuesday, August 14, 2012

SIRENA

In fairness naman kay Gloc 9 and co. mararamdaman mo ang sincere na pagkakaunawa niya sa totoong nangyayari sa karamihan sa ating mga beki.Though hindi naman sila ang naunang gumamit ng isyung "kabekihan" sa mga kanta.(bet ko din yung gawa ng siakol?).napakaganda at tagos sa puso naman ang  "sirena" hindi lang para sa mga beki kundi para sa lahat.Simple lang naman ang mensahe ng kanta, na ang pagiging tao ay hindi nasusukat sa kung ano ang kanyang kasarian, normal man o hindi sa mapanghusgang lipunan, ang importante marunong tayo magmahal at rumispeto ng kapwa sa ano mang klaseng buhay ang piili niya.Hindi aabusuhin at gagamitin ang pagiging iba natin sa normal na panuntunan ng ating lipunan (ang deep) para tanggalan ng pagkakataon o hadlangan tayo nito para totoong maging maligaya.

RH BILL

Gusto ko lang ishare ang stand ko sa sa 48 years na issue na ito. First, hardcore catholic ako pero "pro" rhbill ang beauty ko."Go forth and multiply" kung totoo mang sinabi yan ni God , ayan yung panahon na  si eva at adan palang ang tao at hindi pa "corrupted" ng kung ano anong kasalanan ang mundo, wala pang term dati na pain,hunger at misery.Fast forward tayo sa mundo ngayon,Super against ang simbahan dahil sa mga ganitong paraan para maiwasan ang iresponsable o hindi planadong pagbubuntis,at ang chika pa parang lalo lang ipropropagate nito ang "aborsyon" sa pilipinas.Pero sana lawakan na natin ang pagiisip at pagunawa natin,Huwag nadin tayo mga ipokrita, matagal na tayong lugmok sa kasalanan, ang "sex" ngayon ay hindi kagaya ng sex na alam natin sa bibliya na nilaan para dumami ang tao na mangangalaga sa mga likha niya.Ang sex ngayon ay isang masarap na bisyo at libangan ng mga taong ma el, at mga walang mapagkaabalahan na hindi iniisp kung ano ang kahihinatnan ng 15 minutong sarap.sa bandang huli ang mga bunga ang magsusuffer, hindi mabibigyan ng desenteng buhay, sapat na pagkain, maayos na tirahan, edukasyon higit sa lahat isang masaya at mapagmahal na pamilya na naniniglect dahil sa kahirapan ng buhay.Sa palagay ko,maiintindihan tayo ng Diyos, kung gumagawa na tayo ng paraan para kahit papano matugunan o maibsan man lang ang mga sanhi kung bakit habang dumarami ang tao mas lalo tayong nahihirapan.Oo., hindi lang naman ang paglobo ng populasyon ang dahilan  kung bakit marami sa ating mga pilipino ang hindi nabubuhay ng matiwasay, Pero malaking factor din kung sisimulan natin mismo sa ating mga sarili ang pagiging isang "disiplinado" at may "self-control" na tao.Ang Diyos ay pag-ibig,at ang pagmamahal niya sa atin ay walng hanggan, kaya naniniwala ako na maiintindihan nya tayo dahil sigurado ako na nakikta niya from above kung gaano unti unting nasisira ang mundo na binuo nya dahil nadin sa pagiging pabaya at iresponsable nating mga tao, kaya habang dumarami tayo out of "lust" lang at hindi '"love" mas tumitindi din ang mga nakakaranas ng kahirapan at kalungkutan. Please, matuto tayong ilugar ang totoong pagiging "kristyano" natin wag tayo maging mababaw at kunin lang ng literal kung ano ang nakalagay sa bibliya hindi lang dun nasusukat ang pagmamahal natin sa ating Diyos.So ngayon mauna na ng bumato sa akin ang malinis at walng sala:)

Wednesday, May 30, 2012

On Gay Issues

Late na ako sa kwentong to, pero carry lang kukuda padin ako.Napapanahon ngayon na bumibida ang sangkabaklaan sa mga sapsapan sa tv na sinimulan ni Jenna talakitok, ang beki na umaaura makasali sa miss u pageant.Hanggang sa nagsanga sanga na ulit to sa usaping same sex marriage and the likes.Super comment and opinions about satin si tyang Mirriam Quiambao at Manny Pacquiao,na hindi nagustuhan ng ating mother house dito sa ating bansa ang mga statements nila.Ang akin stand para dito ay medyo taliwas din sa iba pero hindi ibig sabihin na gusto ko lang maiba.Naniniwala ako na wala naman talaga silang kasalanan, nagpahayag lang sila ng "personal" na pananaw  tungkol sa atin at nagkataon lang na mga kilalang tao sila kaya inabot mula batanes hanggang jolo hanggang sa  mga chapter natin na  tfc subscribers around the world ang kwentong ito.Bilang kasapi ng ating lahi,naiintindihan ko  ang naging sentimyento ng karamihan satin na nagalit,napikon,nasaktan o naipokritahan  sa mga pinagsasabi tungkol satin ng 2 to na napakaprominent ng pagpapahayag nila ng faith sa panginoon lalo na kung ano ang mga nakasulat sa bibliya.Pero sana isipin na lang natin na ang tao ay magkakaiba ng pagkakaintindi at pagunawa sa mundo at mga bagay bagay pati nadin sa painterpreta ng salita sa salita ng Diyos.Kagaya natin na outspoken sa mga pinaglalaban na mga karapatan natin.Entitled din naman sila sabihin kung ano ang nasa loobin nila tungkol sa atin, pabor man o against,for all we know social issues naman ito na pwede makainvolve ang lahat.Ang ganang akin lang,kung gusto natin na totally tanggapin at mahalin tayo ng lipunan na ginagalawan natin, e ganun din sana ang gawin natin sa kapwa,kahit hindi pa sila pabor sa ibang prinsipyo at mga karapatang ipinaglalaban natin.Kung gusto nila tayo irespeto sa kung ano ang pagiging "iba" natin sa kanila irespeto din natin kahit na hindi pa naaayon ang pagkakaintindi nila sa ibang aspeto ng pagiging beki natin.Ang pagiging bakla ay hindi kasinungalingan galing kay taning,dahil hindi lang sa beki applicable ang mga kalokohan nya  sa ating "lahat" straight man o hindi e nadala sa lies nya magkakaiba nga lng ng level at klase pero ang bottomline "sin" padin yan.Kaya mauna nalang mangbato ang wala sala.Hindi din naman ako pabor sa same sex marriage gaya ni mang manny, pero kung sa iba sa atin e yun ang ultimate happiness nila bilang couple sa sa palagay ko ang Diyos na ang bahala humusga kung kasalanan ba ito o hindi .Wala ng mas makakaintindi pa sa gusto ng puso natin kung hindi sya.sakanya tayo lahat nanggaling  kaya sya lang ang may karapatan na humusga sa atin at hindi si Manny Paquiao.

Friday, May 25, 2012

On failures

Likas sa ating mga beki, ang pagiging masipag at malinaw ang vision sa kung ano ang gusto natin marating sa buhay. Dahil nga sa mundong ginagalawan natin kung saan mainit sa mapanghusgang lipunan ang kasarian natin, tayo na mismo ang nagset ng mataas na standard sa sarili natin marahil para patunayan sa iba na hindi tayo mahina.Kaya natin o mas nahihigitan pa natin ang mga bagay na napagtatagumpayan ng mga straight  simula sa pagsuporta sa ating mga pamilya, sa pagibig at sa pagpapaunlad ng ating estado sa buhay.Noong kabataan ko pa na hindi pa naman ganun kalipas (28 plang naman ako) hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari sa future ko,kahit hopelessly romantic na ako dati pa, ang priority ko talaga e magkamal ng limpak limpak na kaperahan.Siguro dahil dun ako medyo nadeprive,sa edad na yung kung saan tayo mas attached sa mga materyal na bagay,kung saan ang pagkakintindi natin ng pagiging "in" o "cool" ay pagiging fasyon at may masyofal na wallet pang gimick.Naalala ko na sabi ko sa mga kaibigan ko noon, hindi ko kailangan ng lovelife ang gusto ko lang ay may pang grocery ako every week at pangbili kung ano ang gusto ko at magiging masaya na ako.Sa pagdaan ng panahon naibigay naman yung blessing na yun para sa akin, natupad yung simpleng goal ko na yun sa buhay.Nakahawak ako ng pera for the 1st time after college alam ko na ang 1k dahil sa tulong ng mga tyahin ko para makapagsimula ako ng maliit na negosyo  kahit papaano malevel up ko ang buhay namin.Sobra akong naproud para sa sarili ko noon kase sa akin ipinagkatiwala yung responsibilidad na pwede makapagpabago sa pamumuhay namin.On the first years napagtagumpayan ko naman yon dahil sa eagerness at drive ko mapalago yung maliit kong puhunan. Naitawid ko din naman ang mga pangangailangan namin sa buhay at napatapos ko naman ang isa kong sisterette sa college tapos may kakaibang "lovelife" pa on the side so akala ko qouta nako,Masyado na akong naging kampante dumating na yung mga panahon na naging bulaksa ako sa pera, kinatamaran mamili, maging hands on sa tindahan in short umarti na ako ng hindi tama,umastang parang dona sa paggastos hanggang sa hindi ko nalang namamalayan after 5 yrs ng pangangalakal ko e wala padin akong naiipon:( sad but true.Madami na ako pinagdaanang failures sa buhay, alam ko din naman na ang negosyo ay parang buhay din na minsan ok minsan hindi.Pero ang negosyo ang isa na lng sa mga kokonting bagay na kaya ko ipagmalaki na napagtagumapayan atmasakit para sakin kung mawawala iyon hindi dahil sa pride, kundi dahil ito ang naging way para magkaroon ng liwanang ang nanlalabo kong self worth at goal sa buhay.Aminado ako sa mga pagkukulang ko at tinitake ko ang responsibility kung bakit nanamlay ang aking kabuhayan showcase.Pero alam ko ang simpleng pag amin lang sa ating pagkakadapa at pagkukulang ay hindi pa enough.Kailangan ko na gumawa ng kongkretong aksyon para makabawi ulit,Matapang tayong mga beki, at para saan pa at naging beki ako kung hindi ako babangon muli na nakataas ang kilay.malambot at lampa man tayo sa paningin ng iba, wala naman sa bokabularyo natin ang salitang "give-up".sa dami ng kasabihan tungkol sa ating mga bakla ang isa sa pinakapinaniniwalaan ko e "walang baklang tamad" kaya mabuhay sa akin at mabuhay sa ating mga baklang bumabangon para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay:)

Wednesday, May 23, 2012

On Jessica Sanchez

Since uso at filipina naman ako, makikiinvolve lang ako sa kwentong "american idol finale". Para sakin given naman na siguro na hindi siya ang mananalo.Talent wise walang usapan  kaya lang "american" idol padin yan.Citizen man sya hindi padin naman siya "pure "para magexpect ng suporta sa isang bansa na hanggang ngayon e issue padin ang "kulay" ng balat ng isang tao.well maybe hindi na ganun kagrabe gaya ng dati pero subconciously nagmamatter padin sa bansang yun kung sino ang dapat "mauuna" o "mananalo" sa sarili nilang teritoryo kesehodang born and raised ka na dyan kung half ka lng half lang din  suporta mo from them lalo na kung ang lalabanan mo e under ng skin color nila.Appreciated nila ang talent nating mga pinay:) pero negosyo padin nila yan sakanilang bansa at karamihan sa negosyo na ganito ang tema, talent search etc. hindi lang naman iisa ang basehan nila palage para manalo ka, napakaraming factors muna na dapat consider na may pulitika pa on the side at kahit naman saan ganyan ang kalakaran kahit naman dito sa atin. Nungka na text votes lang lage ang labanan feeling ko lang "charito"planas lang ng mga kapartner nilang networks na madali din namang imanipulate kung sino sa palagay nila ang mas pagkakakitaan nila after.San na hindi sya nanalo pero nakakaproud nadin yung naabot niya because of her mas nakikilala nanaman tayong mga pilipino sa world class talent natin.So ngayon  may nanalo na move on na lang tayo, magpakabusy na lang tayo sa mga mas  importanteng bagay para sa mga sarili natin.entertainment lang yan isa sa libangan sa buhay wag natin masyado dinidibdib:)